Paglalakbay


PNU
March 29, 2006, 7:57 pm
Filed under: Guro ako., balik pamantasan, baliktanaw | Tags: , ,

Bannerback Sa internet shop, sa pnu. Naghihintay. 11am usapan. 9:30 pa lang. Tambay muna sa i-shop. Graduation na naman pala bukas. 5 taon mula nang aming graduation. Medyo luntian ang lupa. Parang alpombra. Nagbibigay karangalan sa sinumang daraan.

Malaki na nga ang pinagbago ng pamantasan. May mabuti namang naidulot ang pagtaas ng tuition fee na noon pa namin isinusulong (hahahaha).

Iniisa-isa ko sa alaala ko ang mga lenggwaheng binuo namin. Nang batch namin. Ang Vigan, Palawan, Borneo, Tawi-Tawi at iba pang tambayan tulad ng mushroom na tambayan ng mga nagyoyosi. Inangkin din namin ang Labskul stage para sa mga gig ng organization. Dito walang permit.

Bago na rin pala ang ilang pangalan ng gusali. Dagot hall para sa library, Sibayan Hall sa LSC at Pecson (di ako tiyak) para sa Main building. May bagong tambayan - ang Students Study Area. Ito ang dating CTL Stage.

Marami na ring computers sa library at sandamakmak ang halaman na namumulaklak sa catwalk.

May malaki at agaw pansin na pangalan ng PNU sa labas ng pamantasan at malinis na rin ang istatwa ng babaeng may kaakbit na bata na animo’y inaalalayang tumawid sa Taft dahil nakaharap ito sa Taft. Marahil paalala na mag-ingat sa pagtawid sa dami nang naaaksidenteng PNU’ans. Biro lang.

Marami pa rin daw ang naghahanap sa OC (open court) at UTMT (under the mango tree) sa t’wing simula ng pasukan. Ako rin ay nabiktima rito. Ito na ata ang binyag sa lahat ng mga bagong mag-aaral (na aanga-anga).

Isa lang ang napuna kong hindi nagbago. Ang pakiramdam na hindi ka iba sa t’wing narito ka. Sa t’wing kasama ko ang mga kaibigan ko sa pagbabalik dito, hindi maaaring hindi sayaran ng aming paa ang damuhan. Hindi maaaring hindi maggulaman o bumili ng banana-que o kaya ngumuya ng kwek-kwek at century egg. Sila-sila pa rin ang naghahain ng pagkain, walang pinagbago sa alumni canteen.

Marami pa sana akong isusulat kaso 11AM na. Kailangan ko ng mag log-out. Wala pa lang signal dito sa i-shop kaya wala akong natatanggap na messages. Malamang naghihintay na yun sa SVO office. O siya, next time ulit.

——

Sa mga magsisipagtapos sa buwang ito, aagawan n’yo pa ako ng trabaho! Hehehe. Mabuhay at huwag kalimutang bumalik paminsan-minsan sa ating pamantasan. (no solicitation… promise!)



The SACADAS of Sugarland
March 7, 2006, 2:24 am
Filed under: di pangkaraniwang araw | Tags: , , ,

by Fr. Arsenio C. Jesena

There were 200 of us — men, women, and children staying in two adjoining cuartels.

There was not a single toilet.

There was only one source of water — an old pump. Here everyone did his or her washing, bathing, laundering. We had no blankets, no mosquito nets.

For food, three times a day we were served rice — the cheapest, driest, coarsest, most unappetizing I have ever tasted. Many of the grains were unhusked, and there were pieces of gravel to be found among the grains of rice. We were also given fish — small, dry fish (pinamalhan nga sapsap). Rough rice and dry fish, that was all. No liquid, no vegetables, a diet which gave no delight and no strength.

Yet strength is needed for the SACADA’s work. At 3:30 A.M. the lights come on, and by 5:00 A.M. the SACADAS have trudged, barefoot, through the one kilometer which separates the canefields from the cuartels.

The SACADA’s work is cutting and loading. This is easier said than done.

Cutting means removing the leaves and cutting the top and bottom parts of each sugarcane, some varieties of which twist their way horizontally, like so many long, unwieldy snakes. The canes, about eight feet in length, are heavy. After they are cut, they are piled into heaps of 25 to 35 canes. The work of cutting is monotonous — the same endless bending of the entire body, the same strong cutting strokes of the espading with one hand, the same grasping and jerking and piling up of the sugarcane by the other hand. The work is also very exhausting. It saps away one’s strength in a very short time. Added to this is the discomfort of wearing thick, close-necked, long-sleeved denims (to protect oneself against cuts and rashes from the gilok and the leaves) under the heat of the burning sun. The work is monotonous. The work is hard. But the SACADA must continually keep on working, since, if he is to eat, he is supposed to cut tons of sugarcane.

The SACADA must now load the sugarcane. He bends down, gropes with his pile of 25 to 35 canes, positions them on his shoulders, and then, under this heavy burden, he is supposed to navigate his way through the field to the vicinity of the railroad tracks where, still carrying his burden, he goes up a narrow, steep wooden board, and then he dumps his load into the vagon, and then arranges the canes so they would not fall out on the way to the central. Then the SACADA goes trough the whole process again and again until all the sugarcane he has cut is completely loaded into the railway cars.

Sometimes, when I could no longer raise my arm for another cutting stroke of the espading, or when, after carrying a heavy load to the vagon, I would, from sheer exhaustion, just sit down on the ground, I would look up to see the SACADAS still at work — some of them younger than my students, some of them older than my father, carrying twice the load I could carry. I could not help but be struck by a terrible contrast — for I would think of the SACADAS, who work so hard, and receive so little, and I would think of my students in the Ateneo, who do so little, and receive so much; I would think of how the SACADAS slave for every centavo, and how easily the rich man and the rich man’s son squander the money they have not earned — and I saw the injustice of it all, and I began to understand why the Communists are Communists.

As the day ends, the SACADAS slowly drag themselves back through the canefields and the dusty roads to the cuartels where they know they will be met by the same unappetizing food. As they walk on, a cloud of dust would be kicked up by an occasional Mercedes Benz zooming past as the hacendero hurries to an appointment in Bacolod. As the SACADAS near the cuartels they see the children they love — dirty and in tattered clothing, children who like them would inevitably fit into the perpetual cycle of ignorance and hard work.

Some of those who have gone home earlier would be sitting about doing nothing and in their terrible exhaustion, perhaps strumming a guitar, but giving forth that music peculiar to the SACADAS which always has a plaintive note of melancholy and despair.

No, the SACADAS are not happy as they trudge back from their back-breaking work. And to think — for most of them, life would be like this for 30, 40 years — until they are too old to swing an espading. And so, to escape, if only for a moment, from a lifetime of much labor and little reward, some of them would search out the tuba vendor, get drunk, and fall into a temporary peace that sleep can give.

But not all the SACADAS sleep at once. In the darkness of the night many of us would huddle around and listen to each one open his heart and recount his personal tragedy. And these tough, hardened men — I actually saw them cry!

And some cried like little children. And no word of ours could stop their sobbing and their tears.

One night I looked around at the faces that surrounded me, and I asked these downtrodden SACADAS, “If the Communists come, will you join them?” They said, “Yes.”

I asked further, “If they tell you to kill the hacenderos, will you do it?” And they said, “Yes.”

———-

gusto ko lang syang i-share, isa sa mga pinakamahusay na pagtatala ng karanasan at katotohanang nagaganap sa mga karanasan ng mga sacada. Isinama ko ang artikulong ito sa modyul na tinapos ko. Ang buong tala hinggil sa mga sacada ay matatagpuan sa site na nasa ibaba.

Fr. JJ. Jesena JJ.(1998).Yayee!The Wind Beneath My Wings.Pasig.Fr. James B. Reuter,S.J. Foundation.p.50.

to read more bout The Sacadas, click this site :

http://www.authorsden.com/visit/viewarticle.asp?id=7737



unlearning 101

Tapos na ang labing anim na modyul. Yipeee! Halos pitung buwan ko ring binuno ang mga modules na dapat ay tinapos lang ng 4 na buwan. Nginuya ko yata ng husto ang mga tula, maikling kwento at nobelang kailangang suriin at syempre isama na ang mga pahinga na ginugugulan ng mas mahabang araw sa tuwing makatatapos ng isang modyul.

Matagal-tagal din akong nagkulong sa kwarto. Pakiramdam ko, ako at ang mga aklat na binabasa ko ang mundo. Minsan akong lumabas at wala akong natanggap maliban sa puna na mukha akong may beke dahil lumubo ang mukha ko, lumaki ang tiyan at pumuti. Ok na sana ang mga puna, hindi ko lang gusto ang komentong pumuputi ako.

Ang dami kong pinalagpas na mga seminars na lalahukan at mga pelikulang panonoorin. Marami ring workshops na ipa-facilitate, mga tawag/sulat para sa mga volunteer work, at kung anu-ano pa na hindi ko naasikaso. Hindi ko tinanggihan ang mga ito dahil lahat yan ay Pro bono, tinanggihan ko lang talaga dahil abala ako sa mga modyul. Babawi na lang ako sa susunod.

Sa mga nakaraang buwan, si Liwayway Arceo, Lualhati Bautista, Joi Barrios, Jose Corazon de Jesus, Roman Reyes, Faustino Aguilar, Andres Cristobal Cruz, Lazaro Francisco, Augusto Fabian, Rogelio Sikat, Francisco ‘Soc’ Rodrigo, Lope K. Santos, Benjamin Pascual, Jose F. Lacaba at iba pang manunulat ang kasa-kasama ko. Sa kanilang lahat kay Jose Rizal ako talagang humanga ng husto. Hindi ko alam kung isa siyang propeta o sadyang paulit-ulit na nangyayari ang mga sosyo-politikal naproblema ng bansa kaya hanggang sa kasalukuyan ay akma ang kanyang mga paniniwala. Ano kayang mangyayari kung hinayaan niyang sumabog ang lampara, hindi kaya mas tamang minsan kailangang gumamit ng dahas? Hindi ba’t umaalimpuyong galit ang sumabog sa puso ng mga katipunero ang nagpaduwag sa mga kastila? Sa kasawian ni Simoun at ni Kabesang Tales sa wakas ng El Filibusterismo; pumailanlang ang paniniwala ni Elias sa Noli Me Tangere na ang makararanas ng lalong kasawian sa digmaan ay ang maralitang mamamayan. Hindi kaya sadyang manunulat lang si Rizal at duwag sa totoong panganib? Sa kanyang mga prinsipyo… tila siya rin ang unang bumabalikwas. Baka nga nais niya lang ipakita ang kanyang mga nalalaman para masabing may higit na nababatid. Isang laro ng mga taong nais mapagtayuan ng monumento. Totoo man o hindi ang mga pangamba ko sa kanyang katauhan… nasa kanya pa rin ang paghanga ko bilang isang manunulat. Sana lang, nagkadaupang-palad sila ni Amado V. Hernandez na nagsabing ang pakikidigma at paglahok sa totoong isyu ng lipunan ay hindi nangangahulugang pagtalikod sa panulat bagkus pagbibigay-buhay sa diwa nito.

Ngayong tapos na ang modyul; may manaka-nakang pagtatalo sa isip ko. Mga kwentong hindi ko nagustuhan ang wakas. Mga kwentong sa panahon nila marahil ay mahusay na isinatitik subalit sa kasalukuyan ay isa na lamang ambag sa panitikan. Mas mainam nga siguro ang gayon, tila nangangahulugang natatapos din ang isyu ng kanilang pakikidigma at naipanalo nila ito gamit ang talim ng panulat.

Sa trabahong ‘to, tumanda ata ako ng limang taon. Mas umikli ang pasensya sa mga nangyayari lalo na sa bansa. TV, text at internet ang naging bintana ko sa mundo. Kaya naman pakiramdam ko dapat mabilis ang lahat. Badtrip sa mga chaintext at kung anu-anong rumor na hindi pinag-isipan. Medyo nabawasan rin ang social life, pili na lang ang lakad at kung meron man, isang buong araw ang skedyul para sulit ang paglabas. Pati nga pagligo madalas nalilimutan kong gawin. May mga araw na sa sobrang babadsa computer at sa kwarto, 3 araw na pala ang nagdaan. 3 araw na walang ligo at bilang na bilang din ang pagkain. Pakiramdam ko, istorbo ito sa trabaho. Minsan pa, lalakad ako papuntang SM o di kaya dagliang may iaabot sa kaibigan sa Makati o sa Maynila; mga lakad na maiisip ko na lang; nakaalis at nakauwi pala ako ng walang goli Who cares, even carebears don’t care.

Bad trip sa tsismis, sa walang ginawa kundi magkalat ng kung anu-anong tsismis. Sa mga may prejudice, sa mga taong kundi arok ang tinatakbo ng isip mo ay huhusgahan ka at sasabihang baliw; pero ok lang, nasa good company ako. ‘Ika nga ni Pilosopo Tasyo:

“Ang mga tao’y naniniwalang baliw ang may ibang isipan kaysa kanila, kaya ako’y ipinapalagay nilang gayon - ito’y ipagpapasalamat ko, pagka’t sa araw na ituring nila akong matino, sa aba ko! Maaalisan na ako ng kaunting kalayaang pinagbayaran ko ng karangalan ng aking pagka-matinong tao.”

Sa isang banda, naiisip ko rin na mahirap talagang mabuhay kung ang paniniwala ng karamihan ay hindi mo pinaniniwalaan. Wala naman akong sinasabing mali tungkol sa kristianismo, halimbawa, subalit mas naniniwala akong isinilang akong Pilipino at hindi kristiano. Mas nais kong isilang ng may utang kaysa isilang ng may orihinal na kasalanan. Hindi ko maatim na ang simbahanna siyang nagdulot ng labis na kahirapan sa aking bayan at bumusabos sa isip ng mga Pilipino ang patuloy kong paglilingkuran. Anumang relihiyon mayroon sila, isa lamang silang organisasyon para sa akin na lumaki at naging institusyon at gaya ng paniniwala ko, ang organisasyong maliliit at pampaaralan, mga organisasyong civic, ay isang busilak na simbahan na ang kapayapaan ng kalooban at ispiritwalidad ay mahahasa’t katatamuhan.Hindi ko rin hahayaang ang mga maliliit na organisasyong ito ay lalago atmananakop ng mga isipang hindi handa sa pagtanggap ng paniniwala, kapalit ng pagkain, pangako ng kaligtasan at kung anu-ano pa. Ang paniniwala ay personal na hinahanap at hindi isinusubo gaya na rin ng karanasan si Sidharta Gautama-Buddha matapos matamo ang Nirvana.

Mahirap pumasok sa isang institusyong pagtuturo, institusyon ng edukasyon na kadalasa’y nagiging hadlang sa pagbibigay ng angkop na edukasyon. Mahirap makipagtawaran sa mga bisor at mapagpanggap na kinauukulan ng karunungan; silang ang mga nalalaman ay kinopya sa karunungan ng iba, silang walang karununganmaliban sa kaalaman. Matatandang niluma ng panahon at mga batang agad nagpaluma sa panahon ng kabuktutan.

Sa dulo, kailangan ko pa ring mabuhay at makisalamuha sa mga taong sinasabi kong iba sa paniniwala ko. Hindi naman masikip ang mundo, naniniwala ako rito. May kalalagyan ang lahat. May isinilid sa balon, sa sinementong drum, may inilagay monumento, sa papel, sa kongres, sa papel, sa altar, sa kulungan, sa rehabilitation center, sa mental ward, at kung saan-saan pa. Ako, sa ngayon ilalagay ko ang sarili ko sa mas payapayang alon ng aking imahinasyon at kung sakaling haharap sa nagbabadyang paggngangalit ng panahon, lalabas akong may ibayong lakas at handang pakipagsagupaan kung kinakailangan. Ipupukol ko ang dinamitang pinagsidlan ng napakaraming luha ng api at hikahos na mamamayan na di nagawang pasabugin ni Isagani dahil lamang sa pagsinta sa isang binibini kapalit ng mga pangarap ni Simoun na magising ang bayan at kitlin ang mapag-angking pamahalaan.



sa mga gurong tulad ko…
March 1, 2006, 8:30 pm
Filed under: Guro ako. | Tags: , , , , , , ,

Magbabakasyon na naman. Pihadong maraming mga teachers ang nagdadalawang-isip kung magtuturo pa muli o mag-iiba na ng linya ng trabaho.

Sa bagay… bakit nga na naman magtatyaga sa pagtuturo kung maraming call center company na magbibigay sa’yo ng mataas na sweldo at walang lesson plan na kailangang gawin. Walang visual aids na pagpupuyatan. Bakit ka magtatyaga sa mga pasaway na mga istudyante? Nagdaan tayo lahat sa ganitong kalagayan di ba… yun bang hindi mo alam kung anong ipasasayaw mo sa mga bata para sa field demo, anong costume ang isusuot, kung saan ka manghihiram ng cd o cassete, yun bang sa huling araw ng klase ay problemado ka sa pagbabayad ng mga nasirang gamit na inimbentaryo; mga sirang upuan, doorknob, mga dingding na pipinturahan at mga turnilyong nawawala na sumabay sa halos pagkawala ng sarili mong turnilyo.

Pero sandali,  bago ka magdalawang isip, isipin mo na lang ang ilang mga mag-aral at guro na nasa ibang kalagayan, nasa kabilang bahagi ng mundo na iyong ginagalawan.

Isipin mo ang kalagayan nila at kung paano sila nagkaklase.  Ngayon kung desidido ka na talagang magresign, sipatin ng tingin ang mga katutubo ng ating bayan :

VisualKung wala kang  pambili ng visual aid; dito, nabubuo ang mga salita sa mga tinapyas na kahoy.

Lets_play_clay_2hindi ka na bibili ng clay para humulma ng mga tau-tauhan dahil dito ang molding clay, totoong putik.

Gardeningang gardening, hindi sa paso isinasagawa

Sayaw

hindi mo na kailangang magresearch sa aklat ni francisca reyes aquino, dahil totoong sayaw ang iniindak nila.

Study_table

hindi na kailangang magbayad sa mga nasirang mesa dahil dito ang mga magulang nila ang kumukumpuni sa mga sirang mesa… at ang upuan… lahat sa sahig nakasalampak.

Drummer_boy

hindi na kailangang bumili ng cd at kung walang cd player na mahiraman; dito, sila mismo ang kakanta at tutugtog para matuloy ang sayawan.

Colaborative hindi sapilitan ang pangkatang gawain dahil ang teoryang collaborative work ay natural sa mga katutubo.

Drinking_fountain_1 safe at natural na malamig ang drinking fountain.

Uwian_na_2

walang skul bus, lahat sabay-sabay na umuuwi habang nagkakantahan.

Clas_pic_1

at higit sa lahat, buhay na buhay ang  class picture.

O, anong plano mo ngayon? Hingang malalim!